Malaki ang pasasalamat ni Kib Montalbo sa oportunidad na ibinigay ni coach Aldin Ayo. Malaki ang naiambag ni Montalbo sa ratsada ng La Salle Green Archers sa kasalukuyang UAAP basketball season.

Isang taon matapos masideline sanhi ng ACL injury, ipinakita ni Montalbo ang kagustuhan na maging asset ng La Salle at hindi naman nabigo ang coaching staff sa kasalukuyang 5-0 karta ng Archers.

Laban sa Adamson, nagtala si Montalbo ng 12 puntos, walong rebound, anim na assist at tatlong steal upang tulungan ang La Salle sa pagposte ng 91-75 panalo.

Dahil sa kanyang performance nakamit nya ang parangal bilang ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week at naging ikatlong sunod na La Salle player na nagawaran ng citation kasunod nina Ben Mbala at Jeron Teng.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s a blessing in disguise,” pahayag ni Montalbo, patungkol sa injury na natamo bago magsimula ang nakaraang Season 78.

“I’m really happy that I’m back on the floor, especially sa system ni coach. I really like that pace, ‘yung magulo. And whatever my role is, I’ll accept it.”

Tinalo ni Montalbo para sa weekly honor sina Mbala, Far Eastern University guard Monbert Arong at Ateneo shooter Anton Asistio. (Marivic Awitan)