Naniniwala si Senator Grace Poe na malaki ang maitutulong sa problema sa trapiko ang mas mabilis na Internet access sa bansa, dahil pwedeng magtrabaho sa bahay ang ibang mga manggagawa.

Ayon kay Poe, bukod sa panukalang agahan ang Christmas vacation sa mga paaralan, ikinukonsidera rin nila na pabilisin ang sobrang bagal na Internet service sa bansa.

“Sana mabilis ang Internet natin para maka-telecommunicate ang mga nagtatrabaho sa opisina, work from home, kaya hindi pwedeng mabagal ang Internet,” ani Poe. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter