Liyamado ang Talk ‘N Text bilang top seed sa duwelo kontra Meralco ngayong gabi sa Game 1 ng kanilang best-of-five playoff series sa 2016 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Aksiyong umaatikabo ang kaganapan sa laro sa 7:00 ng gabi.

Naisaayos ang salpukan ng dalawang koponan matapos nilang manaig sa kani- kanilang quarterfinal match, ang Katropa laban sa 8th seed Phoenix, 136-124, at ang 4th seed Bolts kontra sa 5th seed Mahindra Enforcers, 125-82.

Para kay TNT coach Jong Uichico, walang timbang ang pagiging top seed kung hindi masusustinihan ng Katropa ang impresibong kampanya sa elimination round.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naniniwala si Uichico na patuloy silang pangungunahan ni Best Player of the Conference leading candidate Jayson Castro.

“Kay Jayson kasi he’s not too concerned about his personal stats, ang mahalaga sa kanya ay manalo yung team. Focus siya to win and go to the next round,” aniya.

Sa panig ng Bolts, optimistiko naman si coach Norman Black sa kahihinatnan ng kanilang kampanya. (Marivic Awitan)