LUPAO, Nueva Ecija – Isang 72-anyos na hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group ang pinagbabaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang naghahapunan siya sa kanyang bahay sa Purok Centro, Barangay San Roque sa bayang ito, nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ni Chief Insp. Marlon Cudal, hepe ng Lupao Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, sinabing agad na nasawi si Dominador Bumatay Obrero, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ezer Lomboy, dakong 7:20 ng gabi at naghahapunan si Obrero kasalo ang asawang si Maria Obrero, 69, nang biglang pumasok ang dalawang armado na nakasuot ng bonnet at pinagbabaril ang biktima.

Nasamsaman ng aluminium foil strip at ilang drug paraphernalia sa kanyang bahay, sinasabing miyembro ng gun-for-hire ang biktima, na kumikilos sa kanlurang Nueva Ecija at Pangasinan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog