Sentro ng usapin ang paghahanda para sa Shell National Youth Active Chess Championship sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Magbibigay ng kanilang saloobin para sa kampeonato na nakatakda sa Oktubre 1-2 sa Megamall ang mga finalist na sina Rowelyn Joy Acedo at Daniel Quizon.

Sasamahan sila nina Melanie Bularan, Social Performance and Social Investment Manager ng Pilipinas Shell, at tournament director Alex Dinoy.

Panauhin din sa public sports program na live na mapakikingan sa DZSR Sports Radio 918 si car racer Milo Rivera, nanguna sa FIA Asian Zone ng Taiwan Gymkhana Prix kamakailan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA