andi-at-jake-copy

HOW true, pinagbawalan daw muna sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na magsalita tungkol sa pinasabog ni Max Eigenmann na ang anak nina Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Laarni Enrique ang ama ni Ellie.

Mahigpit daw ang bilin kina Andi at Jake ng taong ito, na hindi naman binanggit ng aming source kung sino, at sa tamang panahon na lang daw magbibigay ng pahayag ang dalawa.

Kaya pala sa isang event na kasama si Andi nina Kiana Valenciano, Alexa Ilacad, Louise de los Reyes at Bea Alonzo ay nagmamadaling umalis ang una.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Baka naman may taping ng The Greatest Love kaya nagmadaling umalis, di ba, Bossing DMB? Sabagay, knowing Andi baka wala pa siyang nakahandang sagot.

At si Jake naman, na nalaman naming narito sa Pilipinas -- contrary sa unang nasulat namin na nasa Singapore -- ay nanatiling tikom ang bibig. Maging ang pamilya niya ay hindi rin nagsasalita pa.

Come to think of it, Bossing DMB, ano kaya ang official statement nina Andi at Jake? Paano nila ipaliliwanag sa tao na matagal na nilang alam kung sino talaga ang ama ni Ellie pero hindi pa rin sila nagsalita at hinayaang maiwan sa gitna si Albie Casiño na nag-suffer tuloy ang career? (REGGEE BONOAN)