16-copy

‘Ahas’ Nietes, makamandag sa flyweight; Villanueva, wagi sa TKO.

CARSON, California – Hindi na kailangan ang pabuwenas kay Donnie ‘Ahas’ Nietes sa kanyang unang pagsabak sa flyweight division na lubhang dominante sa kabuuan ng 12-round tungo sa impresibong panalo kontra Edgar Sosa ng Mexico nitong Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa StubHub Center dito.

Nagkapaan muna nang kani-kanilang lakas ang magkaribal, bago kumilos si Nietes sa matikas na 1-2 kombinasyon at matinding straight punch na nagpangalog sa tuhod ni Sosa sa second round at nagdulot ng labis na kasiyahan sa crowd na kinabibilangan ng malaking bilang ng Pinoy.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mula roon, nadomina ng 34-anyos na si Nietes ang tempo at galaw ng karibal sa main fight ng ‘Pinoy Pride 38:

Philippines vs Mexico. Makailang ulit na muntik nang mapatumba ni Nietes si Sosa sa ikalima, ika-10 at final round dahil sa malalakas na bigwas na patama.

“Alam ko makuha ko na sa sixth round pero gusto ko kasi maka-abot ng 12 rounds para talagang malaman ko pa kung gaano ang makakaya ko sa flyweight,” pahayag ni Nietes, nakopo ang bakanteng WBO intercontinental flyweight belt.

Nakuha ni Nietes, dating kampeon sa 105 lbs. at 108 lbs. class, ang iskor na 120-108 mula sa tatlong hurado.

“I agree Nietes was ready to knock Sosa out in the middle rounds but he was very professional by not going for the kill when he hurt Sosa badly,” sambit ni Jorge Barrera, trainer ni Sosa.

“I was happy with the performance of my boxer and he really gave his best but Nietes was so good he made my fighter look bad tonight,” aniya.

Sa kasalukuyan, rated No.1 sa WBO flyweight class si Nietes, tangan ang markang 39-1-4, tampok ang 22 knockout.

Ipinahayag niya ang pagnanais na makaharap si Chinese sensation at second-ranked na si Zou Shiming, nakatakdang lumaban sa Nobyembre kontra third-ranked Kwanpichit Onesongchai ng Thailand sa Las Vegas.

Ngunit, ipinagkibit-balikat lamang ni ALA Promotions president Michael Aldeguer ang tsansa na magkaharap sina Nietes at Shiming. Nais ni Aldeguer na labanan muna ni Nietes sinuman kina flyweight superstars Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ng Nicaragua at Juan Francisco Estrada ng Mexico.

“It will be a popular fight because Shimming is an Olympic champion. But he really wanted to fight Estrada and he is the reason why Donnie moved up in weight. I still don’t know but I expect Estrada to return to flyweight if he doesn’t get big fights at 115,” pahayag ni Aldeguer.

Sa undercard, pinabagsak ni one-time world title challenger Arthur Villanueva si Mexican Juan Ramirez may 2:20 sa second round para mapanatili ang WBO Asia-Pacific 118lb crown.

Mistulang nagsagawa ng boxing clinic ang wala pang talong si Mark ‘Magnifico’ Magsayo kontra Mexican challenger Ramiro Robles sa 12-round unanimous decision.

Tangan ni Villanueva ang 30-1 karta, kabilang ang 16 KOs, para sa unang panalo sa huling tatlong laban.

Napanatili naman ni Mark Magsayo ang impresibong 15-0 (6 KOs) karta.

Nakuha ng 21-anyos na fighter mula sa Tagbilaran City, Bohol ang iskor na 119-107, 118-108, at 120-106.

(DENNIS PRINCIPE)