mark-copy

PATULOY pa rin ang loyalty ni Mark Herras sa GMA Network sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract noong Martes, sa harap ng executives ng Kapuso Network.

“I’m happy po to renew my contract,” sabi ni Mark. “Home na po sa akin ang GMA for the past 13 years matapos kong manalong Ultimate Male Winner sa first batch ng Starstruck. Maraming-maraming salamat na hindi pa rin nila ako pinababayaan kaya po malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil lahat ng kung ano ang meron ako ngayon dahil sa mother network ko.”

Home-grown talent ng Kapuso Network si Mark na handang-handa nang sumubok ng iba’t ibang role na mas challenging. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Katatapos lang niyang gumanap bilang nagpapanggap na beki sa Conan, My Beautician at napapanood siya ngayon bilang uncle ng batang si Catherine (Jillian Ward) sa afternoon prime na Sa Piling Ni Nanay with co-Starstruck finalists Yasmien Kurdi and Katrina Halili.

Nangako si Mark na lalo pa niyang pagbubutihin ang pag-arte at patutunayan niyang he can deliver, sa anumang role na ibibigay sa kanya.

Ikinatuwa ni Ms. Lilybeth G. Rasonable, GMA Senior Vice-President for Entertainment TV nang sabihin sa kanila ni Mark kung anu-ano pa ang roles na gusto niyang i-explore at gustong gawin. 

Masaya si Mark dahil bukod sa bagong contract at projects na ibinibigay sa kanya ng GMA, inspired din siyang magtrabaho dahil sa anak na si Ada at sa very supportive girlfriend na si Wyn Wyn Marquez, magkasosyo sila sa business na itinayo nila. (NORA CALDERON)