kim-and-gerald-2-copy

BALITANG hindi na si Yen Santos ang magiging leading lady ni Gerald Anderson sa seryeng Because You Love Me dahil hindi raw nito kaya ang role bilang triathlete bukod pa sa busy ngayon ang aktres sa pelikulang Once In A Lifetime na ginagawa niya sa Regal Entertainment.

Lumutang ang pangalan ni Kim Chiu na magiging kapalit ni Yen at may nagsabing nag-look test na ang aktres.

Nakita namin kamakailan si Direk Dan Villegas sa gazebo ng ELJ Building sa ABS-CBN pero wala naman siyang nabanggit na hindi na si Yen ang leading lady. Ang sabi lang niya, “Stop taping kami ngayon, eh. So habang naka-stop, magso-shoot ako ng movie nina Ian (Veneracion) at Iza (Cazado) for Quantum para sa MMFF. ‘Tapos si Yen nagso-shoot din ng movie nila ni Piolo.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Marami pa sana kaming gustong itanong kay Direk Dan pero nagpaalam na siya dahil may lakad pa.

Inalam namin sa aming source kung totoong hindi na si Yen ang kasama ni Gerald sa Because You Love Me at kung totoong balik-tambalan na ang Kimerald.

“Ang alam ko, hindi totoo ‘yun (pagpalit ni Kim kay Yen),” pagtatapat ng source. “May kailangang ayusin sa concept.

Saka ang alam ko sa Dreamscape hindi sila nagpapalit ng artista, unless hindi talaga puwede or mismong artista na ang nag-backout.”

Kaya pala may pahayag si Kim na, “Sa’n nanggaling ‘yun?’” na ang ibig sabihin ay may project sila ni Gerald.

“Mahirap mag-mount ng isang triathlon serye,” dagdag pa ng aming source. (REGGEE BONOAN)