natalie-copy

KUNG pa-cute ang drama at ‘one of those’ lang si Nathalie Hart sa My Rebound Girl (showing sa Setyembre 28) nina Alex Gonzaga at Joseph Marco, sa pelikulang Siphayo ni Direk Joel Lamangan ay bidang-bida na ang dating Princess Snell ng Starstruck ng GMA Network.

Bukod sa pagiging lead actress at pagiging mapangahas sa bawat eksena sa Siphayo, pag-uusapan din daw ang frontal nudity at steamy love scenes ni Nathalie.

Tatlong magagaling, muy guwapito at barakong aktor -- sina Luis Alandy, Allan Paule at Joem Bascon -- ang maghahalinhinan sa paglanghap ng bango at pagromansa sa sariwang katawan ng palabang aktres.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ayon kay Nathalie, hindi naging madali ang pagtanggap niya sa Siphayo. Kinabahan siya nang una niyang ma-meet si Direk Joel para pag-usapan ang proyekto. Na-impress naman ang award-winning direktor sa ganda ni Nathalie.

When the two finally met face to face, Direk Joel told Nathalie that his major requirement for her in Siphayo is for the half-Australian to have frontal nudity. Nathalie was initially taken aback pero tinanggap niya ang kondisyon ng beteranong direktor.

Malaking challenge para kay Nathalie ang kondisyon ni Direk Joel. Pero dahil nga sa gusto niya ang proyekto, nagawa naman daw niya ang hinihingi ng direktor with flying colors. Kahit super bold ang role niya, naalagaan naman daw ito ng magaling na direktor.

Nathalie has love scenes with Alan, Luis at Joem sa iba’t ibang posisyon, iba’t ibang emosyon. It was a very challenging role but Nathalie accepted the biggest challenge, at pinaka-daring na role na ginawa niya bilang aktres.

“When I read the script, I’m shocked but very excited. It’s really a ‘role of a lifetime’ kaya hindi na ako nag-inarte. My role as Alice is so complex. She is very manipulative, very sexy and unpredictable,” lahad ng upcoming sexy star.

Makakasama nina Nathalie, Luis, Alan at Joem sa naturang pelikula sina Ma. Isabel Lopez at Elora Espano. Sinulat ni Eric Ramos at produced ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. Magkakaroon ng red carpet ang naturang pelikula sa SM Megamall sa Oktubre 3.