Nakalista ang Far Eastern University-NRMF  bilang pinakabagong koponan na lalahok sa 2016 MBL Open basketball championship.

Sa pangunguna ng mga sikat na dating PBA player at collegiate stars, ang FEU-NRMF ay magtatangka na makalikha ng pangalan sa naturang liga.

Inaasahang lalaro para sa Fairview, Quezon City-based team sina Arnold Gamboa, Egay Billones,  Kiko  Adriano, Al Vergara at Eric  Rodriguez  at Clay Crellin, Edwin Asoro, Dexter Zamora, Guy  Esono at Baracuda Arafat.

Si Gamboa ay naglaro ng walong taon para sa Sta. Lucia,  San Miguel at Purefoods; si Billones ay nagpakitang gilas ng walong seasons sa  Purefoods,  Talk N Text   at Air21;  si Adriano ay may pitong taon para sa  Sta.Lucia,  San Miguel at Red Bull; si Vergara ay naka-apat na taon sa Purefoods,  Barako Bull at Globalport; at si  Rodriguez ay may tatlong seasons sa Air21,  Meralco at Ginebra.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang koponan ay itinataguyod ni FEU-NRMF administrator Nino Reyes.

Ang FEU-NRMF ay isang world-class academic at training institution para sa mahusay na health care services.

Isang non-stock, non-profit educational foundation,  ang FEU-NRMF ay itinayo bilang isang makabahong medical school  at hospital noong Disyembre 22, 1996 na kung sàan si NRMF chairman at dating FEU  president Dr. Josephine S. Cojuangco-Reyes ang nagpasinaya.

Sa kasalukuyan, ang FEU-IM ay pangatlo  sa may  highest passing averages  sa mga medical schools.  

Nitong Sabado,  pinabagsak ng defending  champion Macway Travel Club ang New San Jose Builders, 90-74, para ilatag ang kampanya na makasungkit ng back-to-back title.

Sina dating Lyceum  standout Pol Santiago, ex-PBA mainstays Bonbon  Custodio at Nino Marquez,  Jemal Vizcarra at Mark Fampulme  ang namuno para sa Macway nina owner Erik Kirong at coach Daniel Martinez.