Binokya ng reigning champion National University ang Adamson University, 5-0, upang hilahin ang matikas na record sa 19 sunod na panalo at patatagin ang kampanya sa three-peat sa men’s division ng UAAP Season 79 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Nasa pangangasiwa ang Bulldogs ng bagong coach na si dating national standout Jaime Llanes.

Pinalitan ni Llanes ang dating coach na si  Jojo Mance, gumabay sa NU ng tatlong titulo sa nalalipas na apat na taon.

Sa iba pang duwelo, ginapi ng nakaraang taong runner-up De La Salle ang  Far Eastern University, 4-1, winalis ng University of Santo Tomas ang University of the East, 5-0, habang pinadapa ng  University of the Philippines ang  Ateneo, 4-1.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakdang puntiryahin ng Bulldogs, lumalaro na wala si dating league MVP Peter Magnaye na nagtapos na ang playing year, ang Growling Tigers sa susunod nilang laro. - Marivic Awitan