RIO DE JANEIRO (AP) — Madilim ang kapaligiran ni Jeferson da Conceição Gonçalves — kilala sa tawag na ‘Jefinho’ —dahil sa kapansanan dulot ng glaucoma.

Ngunit, sa mundo ng football, malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang katanyagan.

Sa nakalipas na tatlong edisyon ng Para Games, tinaguriang ‘Paralympic Pele’ si Jefinho dahil sa kahusayan na maikukumpara sa Brazilian football legend na si Pele.

Pinangunahan niya ang Brazil sa back-to-back gold medal sa soccer 5-a-side ng Paralympic at target ang makasaysayang ‘three-peat’ sa harap ng kanyang mga kababayan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“It’s an honor for me to be compared to an athlete like Pelé,” sambit ni Jefinho.