MAY inihandang early “Christmas gift” ang Department of Health (DoH), katuwang ang iba pang health sector, para sa mga nangangailangan na maaari nang kunin ang kanilang benepisyo sa inilunsad na “Duterte Health Agenda” sa National Health Summit noong Huwebes sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Base sa ulat ng Philippines News Agency (PNA) ang early “Christmas gift” ay nakatuon sa pagkakaloob ng libreng check-up sa 20 milyong Pilipino na walang kayahang magpagamot na natukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Household Targetting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Ayon kay Health Secretary Dr. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial ang mandatory check-ups ay isasagawa ng DoH sa pakikipagtulungan sa local at international health partners bilang parte ng pagpapatupad ng “three health promises” na kanilang binibigyang pansin sa summit na kanilang pinagsasama-sama ang mga ipinaaabot na suporta mula sa iba’t ibang sektor at indibiduwal na makatutulong sa katuparan ng health agenda.

“And we hope that by Dec. 25, 2016, we can announce to all of you that we have attained that goal of providing basic check-ups to the 20 million poorest Filipinos,” pahayag ng DoH chief.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ni Ubial na sa pamamagitan ng mandatory check-up, nais nilang matulungan ang mga nangangailangan na mamuhay nang mas mahaba at malusog.

“We will conduct MRI (magnetic resonance imaging), CT (computerized tomography) Scan,” dagdag niya.

Bukod diyan, ang ibang test ay maaari ring isagawa sa mga pasyente gaya ng breast examination, digital rectal exam, cervical cancer screening, blood, stool at urinalysis tests (upang matukoy kung may UTI (urinary tract infection), kidney problems), eye check-up (para sa cataract screening) at matukoy kung may problema sa bitamina ang pasyente.

Sa unang 100 araw ng “Duterte Health Agenda,” kukunin ng Do Hang resulta ng mga diagnostic test at ang pasyente (bata at matatanda) ay pagkakalooban ng kinakailangang gamot o kaya’y operasyon kung kinakailangan.

“DoH believes that our goals for the health system cannot be achieved without the support of our local partners and the various stakeholders, especially in the Philippines where health care is a devolved service. It is devolved to the LGUs (local government units) and we know if we work with them, partner with them, we can attain so much in terms of advancing our goal of Universal Health Care (UHC),” dagdag ni Ubial.