TARLAC CITY - Nahaharap ngayon sa kasong perjury ang isang 21-anyos na lalaki matapos mag-report sa pulisya na kinarnap ang minamaneho niyang motorsiklo sa Burgos Street, Sitio Bacuit, Barangay Tibag, Tarlac City.

Batay sa follow-up investigation ni SPO1 Jaime Gabrielle Tayag, nag-report kamakailan si Jemar James Talplacido, 21, ng Teresa Homes Subdivision, Bgy. Tibag, Tarlac City, na tinangay ng dalawang hindi kilalang lalaki ang kanyang minamanehong motorsiklo, pero natuklasang gawa-gawa lamang umano ito.

Hindi naman natukoy ang dahilan kung bakit kinailangang magsinungaling ni Talplacido.

Pinatunayan naman ito sa affidavit na nilagdaan ni John Rusell, 21, negosyante, ng Bgy. San Juan Bautista, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog