Sisimulan ng National University ang kampanya para sa target na ikatlong sunod na titulo sa men's division sa pagsagupa sa Adamson University at season host University of Santo Tomas sa pagbubukas ng UAAP Season 79 badminton tournament ngayong weekend sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Haharapin ng Bulldogs ang Falcons ganap na 8:00 ng umaga bago nila sagupain ang Tigers sa parehas ding oras bukas.

Hangad din ng NU na mapanatili at mapalawig pa ang kanilang unbeaten record na 28 games mula pa noong Season 78.

Ngunit, sa pagkakataong ito hindi na nila makakasama si last season MVP Peter Magnaye na natapos na ang playing eligibility.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa iba pang laro, makakatunggali ng De La Salle, runners-up ng nakalipas na dalawang season, ang event host Far Eastern University at ang University of the Philippines ngayon at bukas, ayon sa pagkakasunod.

Sa women’s division, sisimulan din ng UP Lady Maroons ang kampanyang three-peat.

Una nilang makakasagupa ang Ateneo sa maagang rematch ng nakaraang taong Finals ganap na 1:00 ngayong hapon at ang Season 78 third placer De La Salle sa parehas ding oras bukas.

Parehas din ng Bulldogs, hindi pa rin natatalo ang Lady Maroons sa loob ng 18 laro mula noong 2014. (Marivic Awitan)