BUTUAN CITY – Labing-isang pasahero ang nasaktan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa national highway sa Barangay Sanghan, Cabadbaran City sa Agusan del Norte.

Ayon sa report ng Cabadbaran City Police, Miyerkules ng tanghali nang sumabog ang kaliwang gulong ng Daewoo bus ng PP Liner na minamaneho ni Wilson V. Abenoja, 36, hanggang sa sumalpok ito sa istruktura ng irrigation canal.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Merlyn Drego, Genevieve Macion, Isabel Burnidor, Gerlie Burnidor, Edmar Linaza, Darwin Silana, Elenito Macion, Elyn Gontinas, Rodrigo Silva, Cherlie Pagaling, at Cresencio Gontinas, pawang nasa hustong gulang.

Kusa namang sumuko sa awtoridad ang driver ng bus. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar