Binaril at napatay ng riding-in-tandem ang isang babae habang lulan sa pampasaherong jeep sa Tondo, Maynila, nitong Martes ng tanghali.

Isang tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib ang ikinasawi ni Evelyn Franco, 45, ng 509-D Nijaga Street, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 12:00 ng tanghali nangyari ang pamamaril.

Sumakay ng jeep ang biktima na nakatakdang magtungo sa Vitas, Tondo at pagsapit sa Velasquez St., kanto ng Romana St., ay bigla na lang umanong dinikitan ng riding in tandem ang jeep na sinasakyan ni Franco at siya’y pinaputukan sa likod.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril. (Mary Ann Santiago)