Hindi na matatapos pa ang pagdinig sa kasong kinakaharap ng isang fish vendor nang siya’y pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek na sakay sa motorsiklo sa Makati City, kahapon ng umaga.

Sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo, agad namatay si Rey Monteroyo Barcial, alyas “Jolicor”, 20, ng No.052 A Lansones Street, Barangay Comembo ng nasabing lungsod.

Habang tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na nakasuot ng helmet at sakay sa violet Yamaha Mio, walang plaka, na humarurot matapos isagawa ang krimen.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson kina SPO2s Rico Caramat at Ador Robles, ng Homicide Section ng Makati City Police, dakong 11:40 ng umaga nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Angono at Osmena St., Bgy. Poblacion.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na galing hearing ang biktima sa Makati City Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa kinakaharap niyang kaso na Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang kinakasama nang dumating ang armadong rider at tuluyang pinaputukan sa ulo si Monteroyo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)