PARANG nagpatalo sa haters/bashers si Tom Rodriguez nang i-deactivate niya ang kanyang Instagram account dahil sa “hate comments” pagkatapos niyang i-post ang picture ng kissing scene nila ni Lovi Poe sa Someone To Watch Over Me.

Karamihan sa mga nag-comment ay fans nila ni Carla Abellana na nauna pang magselos kaysa sa girlfriend. 

Pati si Lovi na-bash, kaya hayun, nagulat na lang ang followers ng aktor nang mawala ang IG account nito.

Ang feeling ng mga nagselos na TomCar fans, niloko ni Tom si Carla gayong suportado pa nga nito ang naturang drama series. Sa katunayan, nag-post pa nga ito sa IG ng, “You two are doing a GREAT job. Sulit ang lahat ng paulit-ulit na takes, lahat ng effort, lahat ng luhang iniyak, lahat ng pagod at lahat ng pagpupuyat. Beautiful story and even more beautiful execution. Kudos to the entire cast and crew.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nag-react na rin si Lovi at nag-post ng “I usually don’t care and I’m super deadma... but these guys are my friends.

So nothing but love.”

Pero natutuwa si Lovi na kung may negative feedback, mas marami ang positive feedback sa Someone To Watch Over Me at malaking bagay rito ang mahusay na pagkakadirihe ni Direk Maryo J. delos Reyes sa drama series at ayaw sa fake acting. (NITZ MIRALLES)