ATLANTA (AP) — Nasa maayos nang kalagayan si Atlanta Hawks center Dwight Howard matapos maospital bunga ng dehydration, ayon sa pahayag ng opisyal ng koponan.

Isinugod sa ospital ang two-time Slam Dunk champion matapos lagnatin at manghina. Nagmula si Howard sa isang opisyal na programa sa China.

Lumagda ang 30-anyos na si Howard sa Atlanta ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng US$70.5 milyon.

Magsisimula ang training camp ng Hawks sa Setyembre 27.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA