Dalawang puganteng Koreano ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Maynila at Pampanga.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente kinilala ang mga pugante na sina Jang Te Wen, 50 anyos, na nadampot sa Barangay Anunas, Angeles City, at Yoon Sung Ki, 55, nahuli sa Midas Hotel sa Roxas Blvd., Manila.

Si Jang ay nasa wanted sa kasong pagpatay noong 2003. Si Yoon naman ay sabit sa 357 million won pyramiding scam noong 2010. Nasukol ang dalawang dayuhan matapos ang isang linggong pagsubaybay ng BI fugitive unit (FSU). Pinoproseso na ang kanilang deportasyon pabalik sa Korea. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter