Sa gilid ng kalsada tuluyang nalagutan ng hininga ang isang lalaki na dati umanong namamasada ng jeep.

Dakong 1:30 ng hapon nitong Sabado nang madiskubre ang bangkay na kinilala lamang sa alyas na “Tolits”, 35 hanggang 40 anyos, 5’6” ang taas, sa bangketa ng M. Dela Fuente Street, malapit sa kanto ng Lardizabal St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), napag-alaman na dating jeepney driver sa nasabing lugar si Tolits, at bumibiyahe sa Lardizabal-Tayuman, ngunit napilitang tumigil sa pagtatrabaho dahil sa tuberculosis.

Walang sugat na nakita sa katawan ng biktima na maaari sanang pagbasehan kung may foul play na nangyari.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

(Mary Ann Santiago)