Tiniyak ni Northern Police District (NPD) Director Senior Supt. Roberto Fajardo na ligtas ang Northern Metro area sa pag-atake ng mga terorista sa kabila ng sunud-sunod na bomb threat na natanggap ng mga unibersidad at commercial establishments sa Metro Manila.

Ayon kay Director Fajardo, walang dapat ipangamba ang mga residente sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City lalo na ngayong long weekend, dahil naka-full alert ang NPD sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Sa ngayon, 24/7 ang pagtatalaga ng mga checkpoint sa apat na lungsod, lalo na sa mga alanganing lugar na maaaring gawing entry point ng mga rebelde.

May intelligence report na natanggap ang mga awtoridad na ang Metro Manila naman ang isusunod na pasasabugin ng mga rebelde.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Fajardo na hindi dapat matakot sa bantang iyon, ngunit hiniling niya sa mamamayan na maging alerto at makipagtulungan sa NPD. - Orly L. Barcala