Sisters Kendall Jenner, left, and and Kylie Jenner speak to  the media at a party for their KENDALL + KYLIE collection in downtown Manhattan on Wednesday, Sept 7, 2016.  Their fashion collection includes clothing, footwear and handbags. (AP Photo/Jocelyn Noveck)NAKARANAS ng traumatic incident ang magkapatid naKendall at Kylie Jenner  noong Huwebes. Nakasakay ang dalawa sa elevator sa kasagsagan ng New York Fashion Week nang mangyari ang insidente. Na-stuck ang large metal freight elevator, na nagdulot ng pagka-trap nila at mga kaibigan na sina Jordyn Woods at Hailey Baldwin sa loob.

Naisip nilang gawin ang isang bagay na tangi lamang nilang magagawa – binuksan ang Snapchat at nag-document ng kanilang karanasan para sa milyun-milyon na followers ni Kylie. Nasaksihan ng kanyang fans ang naranasan ng idolo nila mula sa mild amusement hanggang sa pagpa-panic.

“So my worst nightmare just happened. We are stuck in the elevator,” kuwento ni Kylie sa isang clip habang tumatawa.

Naging proactive naman si Kendall, na sinusubukang ayusin ang pinto ng elevator habang ipinapakita ni Kylie ang kanyang outfit – asul na mini-dress na ipinares niya sa kanyang high blonde ponytail.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 “I never thought this would actually happen to us,” ani Kylie

Mas naging maigting ang sitwasyon nang mapansin ng grupo na kinain ng supermodel na si Kendall ang natitira nilang pagkain – isang Nature Valley na granola bar.

 “So the only food, we don’t know how long we’re going to be here, but all the f**king food, you ate it all,” saad ni Kylie.

Mabuti na lang, agad namang rumesponde ang fire department para iligtas ang grupo. - ET Online