mark-copy-copy

ISA sa mga guest sa turn-over ceremony ng Mare Foundation si Mark Bautista. 

Matagal-tagal na ring hindi nabibigyan si Mark ng proyekto ng GMA-7, puro guestings lang. Agad naman niyang binanggit na simula pa last April ay wala na siyang kontrata sa Kapuso Network at aminadong nataranta siya dahil pakiramdam niya ay wala nang maibibigay na project sa kanya ang network.  

“Puro guesting na lang. So, sa akin naman siyempre, mas maganda naman ‘yung may network contract ka kahit papa’no.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero, I think, wala pa silang project na maibibigay, so ayoko naman na parang mag-aantay ka sa wala or something,” kuwento ng magaling na Cebuano singer. 

Maghihintay lang daw siya kung ano ang mangyayari.

“Siyempre, ako, eh, gusto ko na may show or something,” sey pa niya. 

Hindi raw naman daw niya masasabi na may tampo sa GMA, dahil naiintindihan niya ang mga taong nagpapalakad ng istasyon. 

“Businesswise, eh, may sarili silang mga concerns din, plano. At ayaw mo rin namang… ayoko rin naman ‘yung tanong ka nang tanong. Kasi kung meron naman, lalapitan ka nila, sasabihin nila sa ‘yo. So, ngayon, ayoko rin namang mag-abang, ayoko rin namang walang gagawin,” katwiran niya.

Habang naghihintay ng gagawing proyekto ay nag-audition siya sa New York Film Academy. 

“Kaya nu’ng natanggap ako sa New York Film Academy, nu’ng natanggap nila ang application ko, du’n muna ako. Sabi ko, may reason kung bakit nangyayari ‘to lahat,” seryosong lahad ni Mark. 

Sa susunod na buwan ang alis niya para mag-aral ng music video production sa New York Film Academy. Pangarap kasi niyang maging director ng music video. 

Nabanggit din ni Mark na nang maramdaman niya na wala nang maibigay na project sa kanya ang GMA, more than willing siyang bumalik sa pagiging Kapamilya. Pero ayaw namang kumpirmahin ni Mark kung may offer sa kanya ang ABS-CBN. 

“Sa totoo lang naman, eh, ang relasyon ko sa Dos ay parang open naman sila sa akin, like pinapa-guest naman nila ako sa mga shows nila. Siguro wala naman akong na-burn na bridges sa kanila. So, I think open naman ako with them, and sino ba naman ako na tanggihan kung may offer ang Dos?” balik-tanong sa amin ng singer. (Jimi Escala)