Ikinatuwa ng Malacañang ang napaulat na nais ng Indonesian authorities na gayahin ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

Sinabi ni Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag na walang dudang naging popular na si Pangulong Duterte maging sa ibang bansa, dahil na rin sa aniya’y matinding “political will” ng huli upang mapanatiling ligtas ang mga Pinoy.

“We can only appreciate iyong lahat ng... if they appreciate our President,” sinabi ni Banaag sa panayam sa radyo, tinukoy ang ulat na gagawing inspirasyon ng Indonesia ang drug war sa bansa.

“’Di ba nakakagaan ng loob na at least somehow may tao na may political will na may gustong gawin para sa ating bansa?”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Basically ‘pag ordinaryong Pilipino ang gusto mo is safe ka sa bahay mo. Sa kalsada, safe ang mga anak mo, primary iyon,” ani Banaag. “Second is: Anong ipapakain mo sa mga anak mo. But more so, iyong safety mo ‘di ba? So, right now, the best that we can do is to support the President.”

Napaulat na plano ng anti-narcotics chief ng Indonesia na paigtingin ang kampanya nito laban sa droga, gaya ng sa Pilipinas.

Nang tanungin kung magiging kasing agresibo ito ng drug war sa Pilipinas, sinabi ni Budi Waseso, hepe ng national anti-narcotics agency (BNN) ng Indonesia: “Yes I believe so. It can happen because (the drugs problem) in Indonesia is as bad as in the Philippines.” (Genalyn D. Kabiling)