Hindi na pinauwi pa nang buhay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin ng dalawang armado sa loob ng isang bilyaran sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital si William Abundo, 56, barangay captain ng Barangay 168, Zone 18, at nakatira sa No. 828 C. De Guzman Street, Malibay, Pasay City, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa dibdib at katawan.

Ginagamot naman sa isang ospital si Dennis Barredo, 26, care taker ng bilyaran, sanhi ng isang tama ng bala sa kanang binti.

Pinag-aaralan kahapon ng awtoridad ang kuha ng closed circuit television (CCTV) cameras sa lugar ng pinangyarihan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na kapwa nakasuot ng helmet at mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa panayam kay Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, dakong 6:45 ng gabi nangyari ang pamamaril.

Nasa loob ng bilyaran si Abundo nang sumulpot at pumasok ang mga suspek, pawang nakasuot ng helmet, na armado ng kalibre .45 baril at .9mm pistol at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima. (Bella Gamotea)