SANTA IGNACIA, Tarlac - Apat na miyermbro ng “Stone Throwers” gang ang nalambat ng mga awtoridad sa Barangay Pugo-Cecilio ng bayang ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay SPO2 Jay Espiritu, inaresto at kakasuhan ng malicious mischief sina Resty Daligdig, 25, construction worker; John Michael Esteban, 21; Jerry Molina, 21; at John Paul Corpuz, pawang taga-Bgy. Nambalan, Santa Ignacia, Tarlac.

Nauna rito, binabagtas ng First North Luzon air-conditioned bus (UWK-112) na minamaneho ni Felipe Laforteza, 49, ng Malasiqui, Pangasinan, ang Poblacion East sa Santa Ignacia nang pagbabatuhin ng mga suspek hanggang nawasak ang windshield sa ikaapat na bintana ng bus.

Nasugatan ang pasaherong si Jackyloue Apalis, 32, ng Bgy. Buenlag, Calasiao, Pangasinan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog