KAILANGAN ng sapat na panahon ni Zayn Malik para magpagaling.

Humingi ng paumanhin ang Pillowtalk singer sa kanyang fans noong Martes nang kanselahin ang nalalapit na concert appearance nito sa Dubai.

Matatandaan na kinansela rin ni Malik ang kanyang performance sa Capital Summertime Ball sa UK noong Hunyo.

“I have been working over the last three months to overcome my extreme anxiety around major live solo performances,” saad ng 23-year-old sa isang pahayag sa 117 Live. “I do not feel sufficiently confident to move forward with the planned show in Dubai in October. I am assured that all tickets will be refunded.”

Relasyon at Hiwalayan

Karylle, pinagsasalita sa hiwalayan nila noon ni Dingdong

“I am truly sorry to disappoint you. I hope to see you all soon,” dagdag ni Malik. “Thank you to all my fans who support me globally.”

Sa ngayon, ang tour dates section sa website ng singer ay may nakasulat na “Coming Soon.”

Nagtapat ang dating One Directioner noong Hulyo ang tungkol sa hindi inaasahang desisyon niya na himiwalay sa banda. (ET online)