TARLAC CITY- Nagpositibo ang buy-bust operation ng pulisya sa Uptown Market sa Barangay Mabini, makaraang malambat ang isang hinihinalang tulak ng droga, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni PO1 Dominic Guiao ang naaresto na si Niño “Ron-Ron” Roxas, 27, binata, ng Block 3, Bgy. San Nicolas, Tarlac City.

Nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.078 gramo ng hinihinalang shabu at P100 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog