Hinimok ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng mga pasahero na maagang dumating sa paliparan dahil sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad, lalo na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, apat na oras bago ang kanilang flight ay dapat nasa paliparan na ang pasahero upang hindi mahuli sa security baggage checks, check-in sa kanilang mga airline counter at inspeksiyon ng immigration officers (IO).

Paalala ni Morente, inaaabot ng 45 minuto bago ma-clear ang pasahero para sa departure sa immigration counter.

Gayunpaman, maaaring hahaba pa ang oras ng pagpoproseso kapag ipinasa ng immigration officer ang pasahero para sa secondary examination ng mga miyembro ng travel control and enforcement unit (TCEU) ng BI sa paliparan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

(Mina Navarro)