Setyembre 6, 1915 nang mabuo sa England ang unang prototype na tangke na “Little Willie”. May bigat na 14 na tonelada, bumiyahe ito sa baku-bakong daan sa layong dalawang milya kada oras, ngunit nakaimpluwensiya sa mga lugar ng labanan, at kalaunan ay pinaganda ang disenyo nito.

Ideya ni British army colonel Ernest Swinton, katuwang si William Hankey, ang isang armored vehicle na mayroong conveyor belts. Ang konseptong ito, na inendorso nina Swinton at Hankey kay noon ay British Navy Minister Winston Churchill, ay makatutulong nang malaki sa sandatahang Briton.

Sinabihan ang mga obrero na ang binubuo nilang mga sasakyan ay gagamitin sa paghahatid ng tubig sa lugar ng digmaan, upang maprotektahan ang mahalagang tungkulin ng proyekto laban sa mga kaaway.

Ang “Big Willie”, ang ikalawang prototype, ay isinabak sa First Battle of the Somme sa France. Ang mga unang batch ng tangke na tinawag na “Mark I” ay dumanas ng iba’t ibang problemang mekanikal habang nasa digmaan, at naglabas ng nakabibinging ingay.

Human-Interest

Kilalanin si Lyka Jane Nagal, viral service crew na naluha sa trabaho nang makapasa sa LET