Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Seaoil at Pilipinas Shell ngayong Martes.

Sa anunsyo ng Seaoil, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayon, magtatapyas ito ng 50 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at 35 sentimos sa kerosene, habang walang paggalaw sa presyo ng gasoline.

Hindi naman nagpahuli ang Shell sa pagpapatupad ng kaparehong bawas-presyo sa diesel at kerosene.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kahalintulad na tapyas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)