Jason at  Melai copy copy

MUKHANG nagkakaayos na ang nagkahiwalay na mag-asawang Melai Cantiveros and Jason Francisco, bulong sa amin ng isang source na malapit sa dalawa at madalas na kasa-kasama ng isa sa mga host ng Magandang Buhay.

Kuwento ng source, madalas daw mag-usap ngayon sina Melai at Jason at sa katunayan ay lumuwas na sa Maynila from Mindoro ang huli.

Ipinagbigay-alam pa sa amin na si Melai ang unang tumawag kay Jason at siyempre, alang-alang sa anak nila ay mukhang nagkakasundo na ngayon ang dalawa. 

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ayon pa sa kausap namin, parehong nagmamatigas sina Jason at Melai noong katatapos nilang mag-split. Pero ang kung ilang beses na pag-iiyak ng huli sa Magandang Buhay ay patunay lang na mas higit na naghahabol si Melai kaysa kay Jason.

Matandaang dahil sa selos sa pagkakaroon ng leading man ni Melai sa We Will Survive at sa sinasabing pagiging insecure ni Jason ay nagkahiwalay ang dalawa. Ngayon daw ay may mga inilatag na naman daw na mga kondisyones ang asawa ni Melai na mukhang sang-ayon na naman daw sa mga ito ang huli. 

Samantala, nag-post si Melai sa Instagram ng video ng anak nila ni Jason at ipinagmalaki ang ibinigay daw na laruan ng asawa sa anak nila.

“Naku, sigurado ako, kung hindi pa man nagkabalikan ang dalawa, eh, malamang ilang araw na lang, eh, malalaman nating nagsasama na muli sina Jason at Melai,” sey pa ng source namin. (JIMI ESCALA)