Dahil sa mainitang pagtatalo, sinaksak at napatay ng isang magtataho ang kapwa niya magtataho sa San Andres Bukid, Manila, kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang maisalba ang buhay ni Francisco Florendo Jr., 31, alyas “Bonjay”, ngunit nasawi rin dahil sa mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na suspek na kinilalang si Alexander Alos.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ng Manila Police District (MPD), nangyari ang pananaksak dakong 8:00 ng gabi sa Crisolita Street, sa San Andres Bukid.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon sa saksi na si Judenith Campo, nakita niyang nagtatalo sina Florendo at Alos sa hindi nalamang dahilan hanggang sa nauwi sa pananaksak. (Mary Ann Santiago)