Dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nagkaroon ng malaking pagbabago dito sa loob pa lamang ng dalawang buwan.

Kahapon ipinagmalaki ito ni PNP-SAF Spokesperson Insp. Jonalyn Malnat sa naging ambag na tulong ng SAF commando sa Bureau of Corrections (BuCor) sa pagbibigay seguridad sa loob ng NBP.

Kabilang sa isinagawa ng SAF ang istriktong implementasyon ng panuntunan sa pagbisita sa mga inmate kung saan nagtakda ng visitation area na doon lamang maaring magkita ang mga ito.

Pinanunumbalik na rin ang disiplina sa mga preso, maging sa loob at labas ng NBP upang hindi na makalusot ang mga ipinagbabawal na gamit sa kulungan. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter