Hindi naging dahilan ang edad ng isang matandang babae na umano’y kasama sa drug list ng Manila Police District (MPD)-Station 9, upang hindi siya arestuhin ng mga awtoridad, kasama ang dalawa pang drug suspect, sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Julie Pranco, alyas “Vietnamese”, 71, dalaga, ng 2404 Arellano Avenue, Singalong, Malate, Manila; Jose Suazo, 35, at Dennis Quililan, 34, kapwa residente ng 1264 Marconi Street, Makati City.

Sa ulat ni Police Supt. Romeo Odrada, station commander ng MPD-Station 9, kay MPD Director Police Supt. Joel Napoleon Coronel, dakong 10:30 ng gabi ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Arellano Avenue.

Hindi naman nanlaban at mapayapang sumuko sa mga awtoridad ang mga suspek.

Narekober ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit (SAID-SOTU), sa pangunguna ni Police Senior Insp. Fernildo de Castro, ang anim na pakete ng shabu, na nagkakahalaga ng P1,800 at tatlong P100.

Metro

Batang naglalakad mag-isa, ninakawan ng cellphone at pera

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Mary Ann Santiago)