NAI-FEATURE si Paolo Ballesteros at ang kahusayan niya sa pagmi-makeup sa foreign magazine na In Touch. May picture niya at may three pictures ng makeup transformation at ang title ng article ay Man Turns Himself Into The Women of Game of Thrones.

Natuwa ang fans ni Paolo sa recognition sa kanya ng magasin, patunay ang 103,795 likes na nakuha nang i-post niya ang page na nagtatampok sa kanya.

Samantala, may countdown na ang fans ni Paolo sa nalalapit niyang pagbabalik sa Eat Bulaga ngayong September. Hindi nasayang ang six months suspension ni Paolo sa Tape, Inc., dahil nakatapos siya ng isang pelikula (Die Beautiful) at tinatapos na rin ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend at ang MMFF entry na Enteng Kabisote10 With The Abangers.

(Nitz Miralles)
Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang