Walang awang binaril at pinatay ng isang ‘di kilalang armado ang isang ginang habang nagpapasuso ng kanyang anak sa loob ng sarili nitong bahay sa Tondo, Manila nitong Martes.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Carmelita Flores, alyas “Mameng”, 32, ng 2194-I Delos Reyes Street, Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na inilarawang nakasuot ng asul na t-shirt na may puting manggas, itim na pantalon, at itim na sombrero, habang ang lookout nito ay nakasuot ng pulang t-shirt, gray na pantalon, itim na sombrero at backpack.

Ayon kay SPO2 Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 2:15 ng hapon, nasa loob ng kuwarto si Flores at pinapasuso ang kanyang anak na si Mark John, 4, nang bigla umanong pumasok ang suspek at malapitang binaril ang biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala namang nagawa ang isa pang anak ng biktima, 18, na nakaupo sa ‘di kalayuan sa loob ng kuwarto, matapos ding tutukan ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaril. (Mary Ann Santiago)