Pagbalik sa bansa, ang mga biyahero ay dadaan naman sa Bureau of Quarantine kung ang mga ito ay may lagnat.

Ayon kay DoH Secretary Paulyn Ubial, ang virus ay kadalasang nakukuha sa kagat ng Aedes aegypti mosquitoes, uri ng lamok na nagbibigay din ng Dengue at Chikungunya virus.

“Not everyone who gets infected present with symptoms that is why it is important to avoid mosquito bites,” paalala ni Ubial.

Kabilang sa sintomas ng Zika virus ang fever, skin rash, joint pains at conjunctivitis. Tumatagal ito ng dalawa hanggang pitong araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kapag buntis, ang epekto ng virus ay tumatama sa sanggol, kung saan mas maliit ang ulo nito kaysa sa normal na sanggol. Nakukuha rin ang virus sa pakikipagtalik sa taong mayroon nito. (Argyll Cyrus B. Geducos)