SAN JOSE, Tarlac – Pitong katao ang nasugatan sa banggaan ng isang motorsiklo at isang tricycle sa Sitio Alon, Barangay Lubigan, San Jose, Tarlac.

Ayon kay PO3 Antonio Calo, Jr., nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan sina Marvin Fronda, 37, may asawa, driver ng Rusi TC 125 motorcycle (BO-42506), ng Bgy. Cristo Rey, Capas; Jesus Basilas, 35, driver ng Kawasaki Baja 100 tricycle, ng Bgy. Villa Aglipay, San Jose, Tarlac.

Nasugatan din ang mga sakay sa tricycle na sina Shaira Anne Basilas, 14; Liezel Lania, 16; Jesus Basilas, 9, ng Sitio Banga-Banga, Bgy. San Jose; Lorensa Gusto, 80; at Maricel Gusto, ng Bgy. Lubigan, San Jose, Tarlac.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog