Nag-aagaw buhay ngayon ang isang lalaking sanggol matapos itapon sa isang basurahan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Agad inalis ni Vicente Atabay ang sanggol mula sa basurahan sa Jade Town House, Barangay Marulas, ng nasabing lungsod, dakong 4:30 ng hapon.

Napagkamalan pa umano ni Atabay na tuta ang sanggol, ngunit nang buksan umano niya ang plastik ay bumulaga sa kanya ang bata na nakakabit pa ang pusod.

Humingi ng tulong si Atabay sa mga residente at isinugod sa Fatima Hospital.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Buhay pa ‘yung bata kaya nagpasya na kami na dalhin ito sa ospital para malapatan ng lunas.” sambit ni Atabay.

Sa nasabing ospital na rin bininyagan ang bata at pinangalanang “Baby Jade”, halaw sa lugar kung saan siya natagpuan.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation si SPO2 Lorena Hernandez, head ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela Police. (Orly L. Barcala)