NEW HAVEN, Conn. (AP) — Sasabak si Agnieszka Radwanska sa US Open bitbit ang kumpiyansa matapos tanghaling kampeon sa pampaganang Connecticut Open nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nakamit niya ang ika-19 na titulo sa WTA nang pasukuin si Elina Svitolina, 6-1, 7-6 (3). Nadomina ng Polish star ang unang set sa naipanalong 20 sa 27 puntos para sa 5-0 bentahe na hindi na nagawang habulin ng karibal.

“I was really feeling good this week,” sambit ni Radwanska.

“Everything was working. I was feeling very confident on that court.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging dikit naman ang tempo sa second set, tampok ang tatlong service breaks sa magkabilang panig at 37-shot rally sa ikasiyam na laro.

Nakuha ni Radwanska ang service play para sa 5-4 bentahe.

Nagawa namang makabawi ni Svitolina para agawin ang kalamangan sa 6-5. Nagawang ma-saved ni Radwanska ang dalawang tie-breaker at nakuha ang lima sa huling anim na puntos para sa panalo.

Nagtamo si Svitolina ng 36 unforced errors, kabilang ang backhand na tumapos sa laro.

“Set points, they come and go in five seconds. She served two big serves. She placed it really well,” aniya.