Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magdaragdag pa sila ng pwersa sa Patikul, Sulu, kasabay ng tuluy-tuloy na opensiba laban sa Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa labanan, umaabot na sa 21 ASG fighters ang napapatay mula nang simulan ang opensiba noong Biyernes.

Ayon kay Marine Col. Edgardo A. Arevalo, hepe ng AFP’s Public Affairs Office, patuloy na sinusuyod ng Joint Task Force Sulu ang lugar upang igupo ang bandidong grupo.

Tumanggi naman si Arevalo na ihayag ang bilang ng tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar, “Magdaragdag tayo. May dumating na at may dumarating pa,” dagdag pa nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kasalukuyan, umaabot pa sa 24 katao ang hostage ng ASG, 16 dito ay mga dayuhan. (Francis T. Wakefield)