NADINE AT JAMES copy copy

WALANG kaduda-duda, hindi pa rin humuhupa ang JaDine Fever.

Grabe ang fans nina James Reid at Nadine Samontedahil kahit nasa labas ka pa lang ng Trinoma ay dinig na dinig na ang hiyawan nila gayong nasa ikaapat na palapag sila ang Cinema 7, huh.

Yes, Bossing DMB, parang trapik sa Edsa ang nangyari sa buong 4th floor ng Trinoma dahil hindi ka na makakalakad ayon sa gusto mo sa rami ng tao. Salamat sa maayos trabaho na security personnels at event marshalls, walang nasaktan sa nagkakagulong fans ng JaDine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mabuti rin at hindi nasira ang mga escalator sa rami ng taong akyat-panaog na gustong makita ang buong cast ng Till I Met You, bagong teleserye ng ABS-CBN handog ng Dreamscame Entertainment na siya ring nagbigay ng On The Wings of Love mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone at Andoy Ranay.

Kuwento ng nakausap naming security guard ng Trinoma, 2 PM pa lang ay dagsa na ang tao na kanya-kanyang hanapan na ng magandang puwesto sa mga kainan na katabi ng red carpet na dadaanan ng JaDine.

Humupa lang ang hiyawan nang makapasok na ang fans sa loob ng Cinema 7 at doon na nagsisigawan sa kilig moments ng dalawa.

Iisa ang sinabi ng mga nakapanood, “Ang ganda ngTill I Met You, ang galing ni Direk Tonet.”

As of press time, hindi pa umeere ang premiere airing nila kaya hindi namin alam kung ano ang ratings na nakuha ng Till I Met You kagabi. Hahagilapin agad namin para alamin kung pumantay sila sa nakuha rin ng OTWOL noon.

(Reggee Bonoan)