Isang barker, dati umanong police informant, ang malapitang binaril at napatay ng ‘di kilalang armado sa tapat ng isang gasolinahan sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Rommel Baba”, nasa 20 hanggang 30-anyos, 5’6” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek, nakasuot ng dilaw na jacket, camouflage na shorts at itim na bull cap, na lulan ng kuliglig.

Ayon kay PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ng Manila Police District (MPD), dakong 4:00 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa harapan ng Caltex gasoline station, sa P. Guevarra Street, sa kanto ng Lacson St., Sta. Cruz, Maynila.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Base sa imbestigasyon, dating impormante ng mga pulis ang biktima kaya inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman ito sa pamamaril. (Mary Ann Santiago)