LONDON (AFP) – Inanunsyo ng mga scientist ang pagkakatuklas sa isang planeta na kasinlaki ng Earth na umiikot sa bituin malapit sa ating Sun, nagbukas ng posibilidad ng mundong maaaring tirhan ng tao at balang araw ay galugarin ng mga robot.

Pinangalanang Proxima b, ang planeta ay nasa “temperate” zone na compatible sa presensiya ng liquid water – ang pangunahing sangkap para sa buhay.

Ang tuklas, ibinatay sa mga datos na nakolekta sa loob ng mahigit 16 na taon, ay iniulat sa journal na Nature.

“We have finally succeeded in showing that a small-mass planet, most likely rocky, is orbiting the star closest to our solar system,” sabi ng co-author na si Julien Morin, astrophysicist sa University of Montpellier sa southern France.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

“Proxima b would probably be the first exoplanet visited by a probe made by humans,” aniya sa AFP.

Ang exoplanet ay anumang planeta na nasa labas ng ating Solar System.

Inilarawan ni lead author Guillem Anglada-Escude, astronomer sa Queen Mary University London, ang tuklas na “experience of a lifetime”.