Liza copy

IDINAAN ni Liza Soberano sa biro ang sagot sa mga nununukso na pinag-aagawan siya ng international singers. Naunang nagpahayag si Charlie Puth ng attraction kay Liza sa harap pa mismo ng audience na nanood ng concert niya sa Kia Theater last August 14.

Sumunod na umaming type nila si Liza ang members ng Chainsmokers na nag-tweet ng, “Going on the record.

We are in a love triangle with @charlieputh.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Biniro si Liza ng isa niyang close friend na huwag na siyang lalabas ng bahay dahil marami ang nagkaka-crush sa kanya. Ang sagot ni Liza na pabiro rin, “Ako na ang magtatago, ganoon?”

‘Kaloka lang ang bashers ni Liza dahil hindi yata naintindihan na nagbibiruan lang ito at ang kanyang kaibigan.

Binash nila ang dalaga, nagpapapansin daw ito na hindi na kailangan dahil siya ang pinapansin ng international singers nang walang ka-effort-effort. 

Totoo namang madaling makagaanan ng loob si Liza, katunayan ay ang kanyang magandang mukha lang sa pictures at TV ang nakita nina Charlie at Chainsmokers, pero ipinagsisigawan na nila sa mundo ang paghanga nila.

Problema lang, itong trying hard na bashers na hahanap at hahanap ng butas, kahit wala naman, para lang makapanglait.

(Nitz Miralles)