VICTORIA, Tarlac - Aktibo pa rin ang operasyon ng mga kilabot na magnanakaw ng panabong at 30 sasabunging manok ang kanilang tinangay nitong Martes mula sa G2 Farm sa Barangay San Vicente, Victoria, Tarlac.

Sinabi ni PO3 Sonny Villacentino na umaabot sa mahigit P105,000 ang kabuuang halaga ng mga panabong na tinangay mula kay Jasmine Andres, 45, ng Bgy. San Nicolas, Victoria.

Pinutol umano ng mga kawatan ang barbed wire sa ibabaw ng kongkretong perimeter fence para makapasok sa farm. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog